Madalas
tayong nagkukuwento ng mga pangyayaring nasaksihan o naranasan subalit kung
minsan hindi malinaw ang paghahatid natin ng mensahe dahil na rin sa kakulangan
ng mga detalye o kaya
naman ay napaghahalo-halo natin kaya’t maging ang kausap natin ay nalilito kung nababago ang mga pangyayari. Ang bawat kuwento ay binubuo ng mga sunod-sunod na pangyayari: simula, gitna, at wakas. Bawat manunulat ay may kanya-kanya ring estilo ng pagkukuwento minsan ay pabalik na nagsisimula sa gitna, patungo sa simula o tinatawag na “flashback.”
naman ay napaghahalo-halo natin kaya’t maging ang kausap natin ay nalilito kung nababago ang mga pangyayari. Ang bawat kuwento ay binubuo ng mga sunod-sunod na pangyayari: simula, gitna, at wakas. Bawat manunulat ay may kanya-kanya ring estilo ng pagkukuwento minsan ay pabalik na nagsisimula sa gitna, patungo sa simula o tinatawag na “flashback.”
Ang
pagsusunod-sunod ay naglalayon ding ipabatid sa mga mambabasa ang isang paksa
sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon sa pamamaraang (a) sekwensyal,
(b) kronolohikal at (c) prosidyural. Sinasagot nito ang mga tanong na papaano,
gaya halimbawa ng: paano nagsimula, nadebelop at nagtapos ang mga pangyayari?
Paano isinagawa ang proseso ng paggawa? Papaano ang pagkakabalangkas? Malinaw
na naipapakita sa mga tekstong ito ang mga pangyayari, kaparaanan, kasaysayan
mula sa simula hanggang sa wakas.
Mga
panandang ginagamit sa hulwarang pagsusunod-sunod: una, sa simula, noon, samantala,
saka, maya-maya, hanggang, huli, nang magkaganon, pagkatapos.
Halimbawang Teksto
Sekwensyal
Isang
araw, habang naglalakad akong papunta sa eskuwelahan, may narinig akong
nagsisigaw ng “Snatcher! Snatcher!” At bigla na lamang na may bumangga sa akin.
Isang batang lalaki, mga 13-taong gulang at mahigpit ang hawak sa
tangan-tangang bag. Hinawakan ko siya sa dalawang balikat habang nagpupumiglas.
Bigla akong napatitig sa kanyang mga mata, natigilan ako, dahil bigla kong
naalaala ang batang si Nicolas.
Noong
una kong nakilala ang batang si Nicolas ay 10 taon lamang siya. Nag-aaral,
masunurin at masayahin. Subalit nang huli ko siyang makita ay nalaman kong may
tatlong taon na palang patay ang kanyang ama. Huminto siya sa pag-aaral dahil
hindi raw kaya ng kanyang ina na pag-aralin pa silang magkakapatid. Noon niya
naisipan ang magtinda ng diyaryo. Nagbarkada at naging laman ng kalye sa buong
maghapon si Nicolas. At ngayon sa murang gulang na 13 ay marunong nang
manigarilyo at uminom ng alak. Natuto na rin siyang mandukot.
Isa lang
si Nicolas sa maraming batang lansangan na inyong nakikita. Minsan lahat silay
ay puno ng pangarap sa buhay. Ngunit ngayon, wala na silang pakialam kung ano
man ang kanilang maging kahinatnan. Para sa kanila, wala na ring halaga ang
buhay.
Hindi
likas na masasama ang mga batang ito; mga biktima lamang ng masamang kapalaran.
May karapatan din silang mabuhay sa ating lipunan upang matupad ang kanilang
pangarap at harapin ang isang magandang kinabukasan.
Halaw sa Makipagtalastasan Tayo 1 nina Milambiling, et
al. (1986)
Kronolohikal
Singapore
Matatagpuan
ang Republika ng Singapore sa kipot ng Malacca, isang maliit ngunit maunlad na
bansa sa timog-silangang Asya. Ito ay nakakawing sa Malaysia sa pamamagitan ng
lansangang likha ng tao sa ibabaw ng tubig.
Batay sa
mga ulat ng Malay, noong 1160 A.D. matapos ang isang bagyo, si Utama (isang
pinunong Malay) ay napagawi sa isang bayan na kung tawagin ay Temasek. Dito ay
nakakita siya ng isang hayop na korteng-leon kaya’t naisipan niyang binyagan
ang lugar bilang Singa-pura o “Lunsod ng Leon”.
Noong
1819, itinatag ni Sir Thomas Stamford Raffles ang makabagong Singapore. Dahil
sa magandang lokasyon ng bansa, hinimok niya ang Britain na bilhin at sakupin
ang teritoryo. Naging bahagi ang Singapore ng Straits Settlements, na noong
1867 ay napaloob bilang kolonya ng Britain. Sa panahong ito, umunlad ang
Singapore bilang isang pangunahing sentro ng kalakalan at internasyonal na
malayang daungan sa pagbubukas ng Suez Canal.
Subalit
hindi rin nakaligtas sa pananakop ng mga Hapon ang Singapore. Ang isla ay
nasakop mula 1942 hanggang sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ika – 3
ng Hunyo, 1959 nang magsarili ang Singapore. Apat na taon ang lumipas nang
sumali ang bansa sa Pederasyon ng Malaysia. Subalit nang magkaroon ng mga
alitan ng pederasyong Malay at minoryang Tsino, ang Singapore ay tumiwalag at
naging malayang bansa noong ika – 9 ng Agosto, 1965.
Kilala
ngayon ang Singapore hindi lamang sa pagiging isang industriyalisadong bansa kundi
sa pagkakaroon din nito ng pinakamalinis na lunsod sa buong mundo.
Prosidyural
Paano Bumoto sa Automated
Election System?
1. Tiyakin na ang pangalan mo ay nasa
listahan ng botante sa presinto. Sa araw ng eleksyon, magpakilala sa presinto.
Bibigyan kayo ng balota na may mga pangalan ng mga kandidato at marker
(pangmarka)
2. Gamit ang marker, itiman o i-shade
nang buo ang oval na nasa tabi ng pangalan ng inyong napiling kandidato.
3. Pagkatapos bumuto i-feed ang
nasagutang balota sa Precint Count Optimal Scan (PCOS) Machine.
Bumalik sa Board of Election Inspector (BEI)
para lagyan ng indelible ink ang inyong daliri.
No comments:
Post a Comment