Ano ang katotohanan
at opinyon?
Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.
Ang
opinyon naman ay isang pananaw ng
isang tao o pangkat na maaaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin
ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong
kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.
Sa
medaling salita, ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan ng mga
ebidensya samantalang ang opinyon ay mga pahayag na batay sa sariling
paniniwala lamang.
Tandaang,
bagamat ito’y isang paniniwala o punto ng sumulat lamang, mainam na ang paghabi
ng opinyon ay nakasalig sa kanyang karanasan at o mga nabasang prinsipyo o
kaisipan.
Sa
pagpapahayag ng katotohanan at opinyon, maaaring gumamit ng mga sumusunod na
pananda:
Katotohanan – batay sa resulta,
pinatutunayan ni, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa…
Opinyon – sa aking palagay, sa tingin
ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin
Positibong Opinyon – totoo, tunay,
talaga, ganoon nga, mangyari pa, sadya
Negatibong Opinyon – ngunit, subalit,
habang at samantala
Halimbawang
Teksto
Ang Paninigarilyo
Ang
paninigarilyo ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang sangkap,
pinakakaraniwan ang tabako na nakapaloob sa bilot ng sigarilyo, at nilalanghap
at nilalasahan ng usok. Pangunahing ginagawa ito bilang isang anyo ng paggamit
ng droga bilang isang libangan dahil sa may nicotine na nailalabas ito at
ginagawang madaling masipsip ng mga baga. Maaaring ginagamit ito bilang bahagi
ng rituwal, upang hikayatin ang kawalan ng ulirat at ispirituwal na kaliwangan.
Ang sigarilyo ang pinakakaraniwang kaparaanan ng paninigarilyo sa ngayon, at
pangunahing ginagawa ng mga pagawaan ngunit maaaring din gawin mula sa
hiwa-hiwalay na tabakong nirolyo sa papel sa pamamagitan ng kamay.
____________
Mauubos ang tao dahil sa
Paninigarilyo
Limang
milyong tao ang namamatay taon-taon dahil sa sakit na nakukuha sa
paninigarilyo. Sa loob lamang ng limang taon, 30 – milyon ang namamatay. At
kung hindi maihihinto ng smokers ang masamang bisyo, maaaring mauubos ang mga
tao sa mundo. Nakakakilabot na ang pagkaubos ng sangkatauhan ay dahil lamang sa
bisyo. Karaniwang ang mga sakit na emphysema, sakit sa puso at bronchitis
nakukuha sa paninigarilyo. Ang ganitong problema ay hindi naman dapat
ipagwalang-bahala kaya kailangang paigtingin ng pamahalaan ang kampanya laban
sa paninigarilyo. Magkaroon ng mga makabuluhang information campaign laban sa
masamang dulot ng paninigarilyo.
Ayon
sa report, 10 porsiyento ang nagagastos ng pamahalaan dahil sa mga sakit na
nakukuha sa paninigarilyo. Ibig sabihin, nasasayang ang pera sapagkat napupunta
lamang para sa pagpapaospital ng mga sugapa sa sigarilyo. Malaking halaga n
asana ito kung maiipon at magagamit para sa iba pang serbisyo sa mamamayan. Ang
ganda kung wala nang gagastusin para sa pagpapagamot ng sakit na nakuha sa
paninigarilyo.
Ngayong
Hunyo ang “No Smoking Month” at maganda sana kung ngayon na rin uumpisahan ang
pagsasagawa ng mga hakbang para matulungan ang mga sugapa na bumitaw na sa
masamang bisyo. Ngayon na rin magpanukala ang mga mambabatas ng mga gawaing
pagbabago sa mga pakete ng sigarilyo para ganap namang maipabatid sa smokers
ang masamang dulot ng paninigarilyo.
Sa
ibang bansa, halimbawa sa Thailand , ipinasusunod na ang paglalagay ng mga
retrato ng sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Halimbawa ay ang sakit na
tinubuan ng bukol sa lalamunan, sugat sa dila, butas sa pisngi at iba pang
nakaririmarim na sakit. Kapag ang mga retratong ito ay nakita ng smokers, baka
hindi na sila maninigarilyo at tuluyan nang iwan ang nakamamatay na bisyo.
Isa
pa rin sa magandang paraan para maitigil na ang paninigarilyo at makaiwas sa
mga sakit ay ang pagtataas ng buwis sa produktong ito. Kung tataasan ng buwis,
magmamahal ang sigarilyo at hindi na maaabot ang presyo.
Isa
ring paraan na posibleng gawin para maitigil ang paninigarilyo lalo ang mga
kabataan ay ang paghihigpit sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga ito. Agad na
dakpin ang may-ari ng establisimento, tindahan at pati vendors na magbebenta ng
yosi sa kabataan.
_____________
Pinagkukunan:
Editoryal, Pilipino Star Ngayon, Hunyo 23, 2009 http://www/philstar.com/Article.aspx?articleid=480120
1 comment:
Source: Pagkilala sa Pagkakaiba ng Katotohanan at/o Opinyon
Post a Comment