Ang kasanyan sa pag-unawa upang makapagbigay ng hinuha
at hula ay mahala sa pagbasa ng isang teksto. Kapat nauunawaan ang nilalaman ng
teksto ay lubos mauunawaan ang mga detalye, at madaling makapagbibigay ng
sariling hinuha at hula ang mambabasa tungkol sa tekstong binasa batay sa kung
paano ito nauunawaan. Halimbawa, sa isang maikling kuwento o nobela, maaaring
makapagbigay ng kalalabasan ng pangyayari kahit hindi pa ito natatapos basahin.
Ano
ang paghihinuha at paghuhula?
Paghihinuha o
Pagpapalagay (inferencing)
Ipagpalagay
na hindi mo pa nabasa ang isang akda o teksto. Magagawa mo kayang mabigyang
kahulugan ang pamagat nito? Sa paanong paraan? Makabubuo ka ng maraming hinuha
habang nagbabasa.
Kapag
nagpapaliwanag o nagbibigay-kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig at ng sariling
kaalaman, ikaw ay gumagawa ng paghihinuha o pagpapalagay.
Ang
pag-unawa sa diwa ng isang pahayag ay nagagawa sa iba’t ibang paraan. Di ba’t
minsa’y naipaliwanag mo ang kahulugan ng isang di-tuwirang pahayag sa teksto?
Naisagawa mo ito sa tulong ng mga pahiwatig at ng iyong sariling pagkaalam sa
paksa.
Ang
hinuha o palagay at implikasyon ay halos nagbibigay ng iisang kahulugan.
Nagkakaiba lamang ang mga ito batay sa kung sino ang gumagawa o tumatanggap ng
ideya o kaisipan. Ang manunulat at tagapagsalita ay nagpapahiwatig o nagbibigay
ng implikasyon; ang mambabasa o tagapagsalita ang nagpapalagay o nagbubuo ng
hinuha.
Sa
paghihinuha, epektibong maipapahayag kung gagamitin ang mga panandang: siguro,
marahil, baka, waring, tila, sa aking palagay, sa tingin ko, maaaring, at iba
pa.
Paghuhula o
Prediksyon (predicting)
1 comment:
Maraming salamat po sa pagpost ng content na ito. Sa mga visitors ng blog na ito marami po kayong ibang makukuhang content sa pag bisita ng link na ito http://www.thesilentlearner.tk/2014/06/filipino-2-paghihinuha-at-paghula-sa.html.
Post a Comment