Sa pagbabasa, hindi lahat ng pananaw o ideya ay dapat
tanggapin agad ng mambabasa. Kailangang kilatising mabuti ang anumang pananaw o
ideya kung ito ba ay balido (valid) o hindi. Sa pagsusuri ng teksto kaugnay sa
baliditi ng mga ideya nito, kailangang matukoy muna kung sino ang nagsabi ng
ideya at ang kanyang nagging batayan sa pagbanggit ng ideya.
Kaugnay
ng pagiging interaktibo ng tao, karaniwan nang Gawain ang pagbibigay ng sariling
pananaw o ideya hinggil sa kanyang nabasa, narinig, napanood o naranasan. Sa
pagbibigay ng tiyak na pananaw sa mga ito, karaniwang humahantong sa
pagsasang-ayon o pagtutol.
Ang
konsepto ng pagtutol at pagsang-ayon ay maaaring mapagsama sa isang pangungusap
sa pamamagitan ng mga pang-ugnay tulad ng sumusunod: totoo, tinatanggap ko,
tama ka, talaga, tunay (nga) pero, ngunit, subalit, datapwat, totoo ang sinabi
mo, sadyang, atbp.
Halimbawang
Teksto
“Math Anxiety”: Paano ito
Haharapin?
Ni Alita G. Agapay
Bilang
isang guro sa mahabang panahon, karaniwan ko nang marinig sa mga estudyante ang
mga komentong “mahirap ang Math”, “ayaw ko sa Math”, “pinakaayaw ko sa lahat ng
mga asignatura ang Math”, “waterloo ko ang Math” at iba pang mga negatibong mga salita kapag nabanggit ang
Math.
Alam
ng lahat na ang math ay isa sa mga mahahalagang asignatura sa kurikulum mula
elementarya, sekondarya hanggang kolehiyo. Ginagamit ito ng lahat ng tao sa
pagharap ng pang-araw-araw na pamumuhay mula sa paggising sa umaga hanggang sa
bago ito matulog.
Karamihan
sa mga mag-aaral ay nakakaranas ng tinatawag na “Math Anxiety”. Ito ay ang
pagkaramdam ng labis na pagkabahala, pagkabalisa at takot sa pag-aaral ng math.
Ang ganitong pakiramdam ay naidudulot ng pag-analisa ng mga numero, pagsagot ng
mga problemang pangmatematika na karaniwang nararanasan sa ordinaryong
pamumuhay at mga sitwasyong pang-akademiko. Nagbubunga ito ng pagkalimot at
pagkawala ng tiwala sa sarili ng estudyante.
Pinapatotohanan
ng mga pag-aaral na ang pagkuha ng test na may takdang oras at ang hayagang
pagkapahiya ang mga kinikilalang dahilan ng pagkakaroon ng negatibong pagtingin
sa math. Dagdag pa ang mga regular na ginagawa sa traisyonal na paraan ng
pagtuturo ng math. Ang mga ito ay ang labis na pagdikta sa mga estudyante,
lantarang pagpapahiya at pagsunod sa mga “deadline”. Sa ganitong pagkakataon,
kinakailangan ang pagrebisa ng mga metodolohiya sa pagtuturo. Dapat bigyang
pansin ang pagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataon na makibahagi at magpakita
o magsabi ng kanilang saloobin tungkol sa araling pinag-uusapan.
Sa
katotohanang nakakaranas ng “math anxiety” ang mga estudyante sa tradisyonal na
paraan ng pagtuturo, kailangan ng mga guro na magdesinyo ng mga aralin na
makapagbibigay sa mga estudyante ng pakiramdam na sila’y nagtatagumpay. Ipinapakita
rin ng mga pag-aaral na mas natututo nang maayos kapag aktibong nakikibahagi sa
aralin kaysa sa basta nalang nakikinig sa lektyur ng guro na kadalasang
nakakalimutan paglabas sa silid-aralan. Mahalaga ring isipin na ang mga gawaing
itatalaga sa mga estudyante ay naaayon sa lebel ng kanilang pagkatuto. Ang mga
maling sagot ng mga estudyante ay dapat harapin sa positibong paraan. Sa halip
na sabihing “mali ang iyong sagot” na may halong pagpapahiya sa estudyante o
kaya naman ay tatawag ng iba para sumagot, bakit hindi na lang tulungan ang
estudyante na madiskubre ang kanyang kamalian at maitama ito. Sa ganitong
paraan, mahihikayat ang estudyante na patuloy na makibahagi sa diskusyon at ito
rin ang magpapataas ng tiwala nila sa sarili.
Pangangailangan
ng mga estudyante ngayon ang matutuhan ang mga praktikal na math. Ang mgaralin
ay dapat batay sa kung ano ang gagamitin ng mga estudyante sa pang araw-araw na
pamumuhay. Lubos nilang matutuhan ang mga aralin kung sila’y mabibigyan ng mga
gawaing magtuturo sa kanilang mag-isip, magsiyasat, magbigay ng kongklusyon at
gumawa ng ebalwasyon.
Ang
negatibong karanasan sa pag-aaral ng math sa klase at sa bahay ay kadalasang
naililipat at nagiging sanhi ng di pagkaunawa nito. Ang math ay kadalasang
naihahambing sa sakit sa pagkabigo. Halimbawa, ang mga di nabayarang bayarin
(tubig, koryente, renta sa bahay atbp), mga di inaasahang utang ay mga
negatibong karanasan na karaniwang inihahalintulad sa numero. Kinakailangan ng
mga magulang na ipakita sa mga anak ang positibong pinanggagamitan ng numero,
tulad ng sa pagluluto, pananahi, libangan, suweldo, atbp.
Dapat
hikayatin ang mga estudyante na harapin ang math sa positibong pananaw para
maibsan ang tensyon, pagkabalisa at takot sa math. Ang positibong pananaw ay
may malaking impluwensiya sa pag-abot sa minimithing tagumpay. Ang humor sa
pag-aaral ng math ay malaki rin ang maitutulong. Gustong-gusto ng mga
estudyante lalo na ng mga bata ang “cartoons” at mga biruan. Puwedeng gamitin
ang cartoon sa pagsisimula ng bagong konsepto o aralin sa klase. Mas madaling
maunawaan at matandaan ang mga aralin kung maipipresenta ang mga ito sa
kongkretong pamamaraan. Halimbawa, pagmanipula ng mga kongkretong bagay para
ituro ang isang konsepto, paggamit o pagpapakita ng mga larawan, simbolo o
modelo para mas lubos na maunawaan ang isang “abstract” na konsepto.
1 comment:
Read More @ Pagsusuri kung Balido o Hindi ang Ideya o Pananaw
Post a Comment