Binibigyang
pansin sa hulwarang ito ang pagtalakay sa ilang problema o suliranin at
paglalapat ng solusyon o kalutasan. Ang mga problema at solusyon sa teksto ay
maaaring lantad o ipinahihiwatig lamang. Inihahayag ditto ang kaisipang dapat
malutas at sa dahan-dahang eskalasyon ng mga pangyayari o sitwasyon ay makikita
ang paraan upang ito’y matugunan o matumabsan ng aksyon.
Sa mga akdang pampanitikan tulad
ng kuwento, matutukoy ang problema sa dinaranas na suliranin ng pangunahing
tauhan. Ito ay lalong magpapatibay sa pagkakahawak ng manunulat sa atensyon ng
kanyang mambabasa na maaasahang hindi titigil hangga’t hindi niya nakikita kung
ano ang nagging kalutasan ng suliranin. Ito rin ang nagbibigay-daan sa
madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga
pangyayari kayat sinasabing ito ang sanligan ng akda.
Sa larangan naman ng
pananaliksik, siyentipik at teknikal, ang problema ay mga tanong na hinahanapan
ng kasagutan at ang solusyon ay ang mga bagay na natutuklasan at ang nabuong
kongklusyon.
Tunghayan ang halimbawa ng
tekstong naglalahad ng mga bahagi ng maikling kuwento at bigyang-pansin kung
papaano nabigyang solusyon ang problema o suliranin nito.
Mga
Halimbawang Teksto
A.
Panitikan
Impeng Negro
Ni Rogelio R. Sicat
Panimula
Sinimulan ng awtor ang kuwento sa paggamit ng
usapan sa pagitan ni Impen at ng kanyang ina nang bilinan nito ang anak na
iwasan ang pakikipagbasag-ulo.
Tunggalian
Matutunghayan ang tunggalian sa kuwento sa
bahaging malapit na sa igiban ng tubig si Impen at natatanaw na niya si Ogor.
Ø Nalilikha ang tunggalian ng
suliranin sa kuwento. Ang tunggalian ang batayang buhay ng kuwento. Dito
naipapakita ng awtor ang isang realidad sa tunay na buhay ng tao – na ang buhay
ay puno ng suliranin.
Suliranin/Problema
Naging suliranin ni Impen kung tutuloy ba siya sa
paglapit sa gripo o hindi sapagkat alam na alam na ni Impen kung ano ang
dadanasin niya kay Ogor.
Kasukdulan
Ang
kasukdulan ay nasa bahaging ipinasya ni Impen na tumuloy na rin sa kinaroroonan
ng gripo upang sumalok ng tubig hanggang sa patirin siya ni Ogor at saktang
muli. Sa pagdilim ng utak ay lumaban siya kay Ogor.
Ø
Ang kasukdulang ang pinakamakulay at pinakamakintal na
bahagi ng kuwento sapagkat dito makikita ang kalutasan sa suliranin ng
pangunahing tauhan.
Kakalasan (Resolusyon)
Ang pagwagi ni Impen laban kay Ogor ang nagging
resolusyon ng kuwento.
Sa
pagwawakas ng kuwento ay gumamit ang awtor ng matinding aksyon ng pagbubuno ng
lakas nina Impen at Ogor.
Ø
Ang wakas ay dapat isunod kaagad sa sandaling marating
ang kasukdulan ng kuwento. Kung minsan ang kasukdulan at ang wakas ay
pinag-iisa na lamang ng awtor. Ang kasukdulan na rin ang ginagamit na wakas ng
kuwento.
B.
Pananaliksik / Siyentipik
Dengue Fever
Ang
dengue fever ay isang uri ng sakit na dala ng lamok na carrier ng arbovirus.
Naging alarming ang dengue, hindi lamang dito sa Pilipinas magin sa ibang panig
ng mundo, lalo na sa parting Middle East, Far East Africa at dito sa Asya. Kung
minsan ang kapabayaan at ang kakulangan sa kaalaman ang nagiging sanhi ng
kamatayan ng isang may sakit na dengue.
Paano
makaiiwas sa sakit na dengue? Una sa lahat, huwag kang pakagat sa lamok. Maging
maingat sa paligid at mga bagay na maaaring pamahayan ng lamok.
Ano-ano
ang mga paraan para di pamahayan ng lamok? Narito ang ilang paraan:
Ø
Linisin o butasan ang mga gulong para di ipunan ng
tubig.
Ø
Linisin at palitan ang tubig sa plorera minsan sa
isang lingo.
Ø
Linisin ang alulod at gutter.
Ø
Linisin o itapon ang mga tumbang puno o halaman.
Ø
Itapon o linisin ang tambak na tarpaulin o plastik.
Ø
Linisin at ugaliing may takip ang mga containers,
drums at mga ipunan ng tubig.
Ø
Palagiing may isda ang loob ng aquarium.
Ø
Regular na bisitahin at linisin ang kapaligiran.
Siguraduhing walang maaaring maipunan ng tubig.
Ø
Tabunan ang hinukay na lupa.
1 comment:
Source :
Problema, Solusyon at Ang Mga Halimbawang Teksto
Post a Comment