Mga katangian ng Mahusay na Mambabasa



Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng mga salita. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita; natatanto niya ang gusting buuing konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay, pangungusap at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong buong aklat.
               Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus ang paningin sa unang bahagi ng pangungusap. Titigil doon ng ilang saglit; pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na naman sa ibang bahagi ng pangungusap ng ilang saglit at saka uli magpapatuloy sa susunod pang mga pangungusap o mga pahina. Ito ang karaniwang tinatawag na fixations. Ang pagbabalik sa naunang bahagi ay tinatawag na regression. Sa paghinto ng mata nagkakaroon ng pagpapakahulugan sa binabasa. Kung gaano ang pagtatagal ng pagtigil ng mata ay siya ring tagal ng pagbibigay-kahulugan ng isipan sa binabasa. Habang gumagalaw ang mata, ang mga anino o imahe ay Malabo at hindi mabibigyang-kahulugan ng isipan.

No comments: