Metakognisyon sa Pagbasa



Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang
pampag-iisip na kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay na mambabasa ay metakognitibo kapag naiintindihan nila ang kanilang sarili bilang mambabasa at nagagamit nila ang angkop na estratehiya sa pagbasa.

                Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong malinang sa mambabasa ang may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa halip na simpleng gamitin lamang ang mga ito. Binibigyang-diin din ng metakognisyon ang malawakang control sa mga proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya o gawain.

                Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong uri (Schunk at Zimmerman, 1998).

PROSESONG
METAKOGNISYON
  
                 Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa sarili ang sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko naunawaan ang aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?; may magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang teksto?; anong mga estratehiya sa pagbasa ang aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto?

No comments: