Ang Proseso ng Pagbasa




Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita. Bilang proseso, ito ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray(1950), ang kinilalang “Ama ng Pagbasa”: (1)persepsyon, (2)komprehensyon, (3)reaksyon, at (4)integrasyon (Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at Semorlan, 2002).

HAKBANG
PALIWANAG

1.                   Persepsyon


v    Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.


2.                   Komprehensyon


v    Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.

3.                   Reaksyon


v    Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto.


4.                   Integrasyon


v    Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.


                Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang nililinang at kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang pagbabasa. Isa kang mahusay at epektibong mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng iyong binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari at iniuugnay ang dating kaalaman at karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng binabasang teksto.

No comments: