Ang Pinatnubayang Pagbasa – Pag-iisip o
Direct Reading – Thinking Activity (DRTA) ay isang estratehiya sa pagbasa na
binuo ni Russell Stauffer (1969) kung saan ang mambabasa ay nagbibigay ng
kanilang sariling hula o palagay tungkol sa teksto. Dito makikita ang tuwirang
interaksyon sa pagitan ng mambabasa at ng teksto.
Ang
paraang DRTA ay binubuo ng tatlong pangunahing hakbang na inaasahang magagawa
ng mambabasa: (1) pagbibigay-hula, (2) pagbabasa, at (3) pagpapatunay ayon sa
impormasyong nasa teksto.
No comments:
Post a Comment