Ano ang teorya sa pagbasa?
                Ang
teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag
sa mga proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing
nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito (Singer at Ruddell,
1985).
                Napakahalagang
kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-unawa
sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit
sa pagtalakay sa konsepto ng pagbasa.
                Sa
kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa
pagbasa. Tunghayan ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong
makikita sa tsart: (A)teoryang
itaas-pababa (top-down), (B)teoryang
ibaba-pataas (bottom-up), (C)teoryang
interaktibo, at (D)teoryang iskema.
MGA TEORYA 
 | 
  
PALIWANAG 
 | 
 |||
A.                 
  Teoryang Itaas
  – Pababa 
(Top-Down) 
 
·                    
  Mga proponent ng teorya: Kenneth S.
  Goodman (1985) at Frank Smith (1994) 
 | 
  
·                    
  Ang teoryang ito ay
  naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang
  dating kaalaman at karanasan. 
·                    
  Ang daloy ng impormasyon sa
  teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang
  ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto. 
·                    
  Ang impormasyon ay nagmumula
  sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994). 
·                    
  Ang mambabasa ay gumagamit ng
  kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo
  na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.
  Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya
  na inilahad ng may-akda sa teksto. 
·                    
  Ayon kay Goodman (1967), ang
  pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic
  guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan
  siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong
  binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa
  halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o
  iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit
  na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa. 
·                    
  Ang teoryang ito ay tinatawag
  ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part model (Goodman,
  1985 at Smith 1994). 
 | 
 |||
B.                 
  Teoryang Ibaba
  – Pataas 
(Bottom-Up) 
 
·                    
  Mga proponent ng teorya: Rudolf Flesch
  (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985) 
 | 
  
·                    
  Ito ay salungat sa teoryang
  top-down. 
·                    
  Ito ay pananaw sa pagbasa na
  naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng
  salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo. 
·                    
  Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na
  nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba
  (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas (up), sa utak
  ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan. 
·                    
  Ang kaisipang ito ay batay sa
  teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o
  tabula raza. 
·                    
  Ayon kay Smith(1994), ang
  impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto. 
·                    
  Ang teoryang ito ay tinatawag
  ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit na umaasa
  ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto. 
 | 
 |||
C.                 
  Teoryang
  Interaktibo 
 
·                    
  Mga proponent ng teorya: David E.
  Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at
  Robert Ruddell, Robert Speaker (1985) 
 | 
  
·                    
  Ito ang kombinasyon ng
  teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may
  dalawang direksyon (McCormick, 1998). 
·                    
  Sa paggamit ng dalawang
  paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng
  teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng
  mambabasa sa pag-unawa sa teksto. 
·                    
  Samakatuwid, nagkakaroon ng
  epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang
  kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng
  dating kaalaman (schema) at mga pananaw. 
 | 
 |||
D.               
  Teoryang Iskema 
(Schema) 
·                    
  Mga proponent ng teorya: Richard
  Anderson at David Pearson (1984) 
 | 
  
·                    
  Ang lahat ng ating naranasan
  at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating
  kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa
  kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa. 
·                    
  Iskemata (schemata), ang sistema ng
  pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson, 1984). 
·                    
  Ang dating kaalaman (iskema)
  ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang binasang
  teksto. 
·                    
  Ang iskema ay nararagdagan,
  nalilinang, nababago at napauunlad. 
 | 
 



1 comment:
Source :
Ang Proseso, Mga Teorya at Kasanayan sa Pagbasa
Post a Comment