Isa sa pangunahing layunin ng pagbasa ang linangin ang
kasanayan ng mga estudyante sa epektibong pagtukoy sa mga impormasyon, ideya,
at kosepto na nakapaloob sa mga teksto na maaaring magamit niya sa kabutihan at
kaunlaran. Upang matamo ang kahusayang ito, ang mga estudyante ay kailangang
magkaroon ng mga kasanayan sa pagbasa tulad ng sumusunod (Pressley at
Afflerbach, 1995):
1.
Pag-uuri ng mga ideya o detalye;
2.
Pagtiyak sa damdamin, tono, layunin at pananaw ng
teksto;
3.
Pagkilala sa pagkakaiba ng katotohanan at/o opinion;
4.
Pagsusuri kung balido o hindi ang ideya o pananaw;
5.
Paghinuha at paghula sa kalalabasan ng pangyayari;
6.
Pagbuo ng buod at kongklusyon; at
Pagbibigay-interpretasyon
sa mapa, tsart, grap at talahanayan.
1 comment:
Source : Akademikong Pagsulat
Post a Comment