Mga Simulain at Konsepto sa Pagbasa



Mahalagang papel ang ginagampanan ng pagbasa sa buhay ng isang tao. Walang hanggan ang kakayahang nalilinang ng pagbasa. Dito nalilinang pang lalo ang kaisipan sa pag-unawa sa iba’t ibang karunungan at disiplinang pang-akademya na makatutulong sa kanyang sarili upang maging isang ganap na tao. Mula sa pagbasa ay nakakukuha tayo ng sapat na karanasan. Lalo’t higit nakakaharap tayo ngayon sa panahong nagbibigay ng walang katulad na hamon – global warming, pagbabago ng ekolohiya, globalisasyon, pagdami ng impormasyon at pag-unlad ng teknolohiya. Sa makabagong daigdig na ito, ang pagbasa ay isang likas na bahagi ng pag-unlad.

No comments: