SQ3R
|
PALIWANAG
|
MGA HAKBANG
|
S-urvey
(Pagsusuri)
|
§ Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ng estudyane sa mga
malalawak na balangkas, pamagat ng kabanata, simula, paksa, at buod.
§ Kailangang malaman ng estudyante kung anong uri ng teksto ang
binabasa bago makapili ng estratehiyang gagamitin.
|
§ Pagtingin muna sa pamagat
§ Pagbasa sa Paunang Salita (Introduksyon) ng may-akda sa aklat
§ Pagbasa sa simula at lagom ng kabanata
§ Pahapyaw na pagbasa
|
Q – uestion
(Pagtatanong)
|
§ Ang mga tanong ay nagiging batayan sa pagkuha at paglilinaw ng
dahilan ng pagbasa.
§ Ang mga tanong na nabubuo ay nagiging batayan sa pagbabalik-aral.
§ Ang mga tanong bago bumasa ay makakahikayat upang hanapin ng mga
estudyante ang mga sagot habang sila’y nagbabasa
|
§ Pagsulat sa mga tanong na nalinang bago bumasa, habang bumabasa o
pagkatapos bumasa
|
R-ead
(Pagbasa)
|
§ Ito’y masusing pagbabasa upang magkaroon ng tiyak na layunin sa
pagbasa at malinaw na bigyan ng kahulugan ang suliraning lulutasin.
§ Ito’y maingat ngunit mabagal na pagbasa na binibigyang-diin ang
mga alalahaning detalye.
|
§ Pagtuon ng pansin sa mga pangunahing ideya o kaisipan ng teksto.
§ Pagsama sa mga pansuportang detalye sa pangunahing kaisipan
§ Pagbigay pansin sa mga uri ng ilustrasyon, mapa, tsart, at iba pa
§ Pagbalangkas sa binasa
|
R – ecite
(Pagsagot)
|
§ Ito ay pagsubok saa sarili upang sagutin ang mga tanong na hindi
ibinatay sa mga naisulat. Kapag hindi makasagot ay saka na titingin sa teksto
o aklat.
§ Ang sariling sagot sa mga tanong ay nakatutulong sa konsentrasyon
ng estudyante.
§ Iminumungkahi na ang pagsagot ay gawin pagkatapos ng pagbasa.
§ Ang pagpapahayag sa sariling salita ay mas epektibo kaysa sa
pagsasaulo dahilan sa ang mga bagong kaalamang galing sa sariling salita’y
hindi madaling malimutan.
|
§ Pagbuo ng sariling sagot
§ Pagsagot sa sariling salita sa mga bagong kaalaman
|
R – eview
(Pagbabalik-aral)
|
§ Ito ay isang kritikal na reeksaminasyon tungo sa pag-uugnay ng
nilalaman at sa paglalahad.
§ Ang pag-aaral ay hindi kumpleto hanggang hindi nailalagay sa
isipan at kailangang matandaan ng mga estudyante ang mga natutuhan. Ito’y
nagagawa sa pamamagitan ng pagbabalik-aral.
|
§ Sariling pagsulat
§ Pagsagot sa mga tanong
§ Pagtatalakay
§ Paglalagom
§ Paulit na pagbasa
|
Ang SQ3R na Estratehiya sa Pagbasa
Ang SQ3R
na estratehiya sa pagbasa ay binuo ni Francis Robinson (1970) na
nangangahulugang Survey, Question, Read, Recite at Review. Ang estratehiyang ito ay
napatunayan nang epektibo upang malinang ang kasanayan sa pagbasa at pag-aaral
ng estudyante. Ito’y angkop gamitin sa mga tekstong ttuluyan o prosa sa
panitikan, agham panlipunan at agham.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment