Ang Global Warming



Ang Global Warming

                Ang pag-init ng daigdig (o Global Warming sa Ingles) ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperature ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Tumaas ng 0.6 + 0.20 Celsius (1.1 + 0.40 Fahrenheit) ang temperature sa loob ng ika-20 siglo ang katamtamang pandaigdig temperature. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo.

                Nagpapakita sa mga pagmamatyag na pag-aaral at ng mga modelong pangklima na nag pagkasensitibo ng klima upang madoble ang antas ng CO2 ay mangyayari kapag tumaas ng 1.5 – 4.5 0C ang katamtamang temperature. Ang mga modelong batayan ng Interngovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ay humuhula na ang pandaigdigang temperature ay tataas sa pagitan ng 1.4 at 5.8 0C (2.5 hanggang 10.5 0F) mula taong 1990 hanggang 2100.

                Sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang temperature ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sad alas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tagtuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi. Sinasabing ang pag-init ay makaapekto sa bilang at tindi ng mga ito. Mahirap na iakibat ito sa particular na kalagayan ng panahon sa pag-init ng mundo. Gayunman, ang mga pag-aaral ay nakatuon sa panahon hanggang taong 2100 na ang pag-init (at pagtaas ng pantay laot mula sa pag-aalsang dulot ng init) ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 ay may mahabang buhay sa himpapawid.

                May maliit na bilang na mga siyentipiko ang laban sa pananaw na ang gawa ng tao ang nagdudulot ng malaki sa pagtaas sa temperatura nitong nakaraang panahon. Gayundin, walang katiyakan ang nakapalibot rito kung gaano kalaking pagbabago sa panahon ang makikita sa darating na araw. May mainit na debateng political at publiko kung paano mapabababa o mababaliktad ang pag-init sa darating na panahon at kung paano haharapin ang mga bunga nito.

                Ang katagang “global warming” (pag-init ng mundo) ay isang tiyak na dulot ng mas malawak na katagang “climate change” (pagbabago sa klima) (na tumutukoy din sa paglamig tulad ng nangyari noong Edad Yelo). Sa prinsipyo nito, neutral ang global warming sa dahilan nito ngunit sa karaniwang gamit, kalimitang pinahihiwatig na may papel ang tao sa pag-init ng mundo. Gayunman, ginagamit ang “climate change” ng UNFCCC sa pagbabagong gawa ng tao, at “climate variability” (pagbabago-bago ng klima) na dulot ng ibang kadahilanan. Ang ilang organisasyon ay gumagamit ng katagang “anthropogenic climate change” sa pagbabagong dulot ng tao.

Kasalukuyang Klima

                Ayon sa taya ng Goddard Institute for Space Studies ng NASA, 2005 ang pinakamainit na taon nang magkaroon ng mga matatatag na instrumenting paniktik sa mundo mula dakong huli ng mga taong 1800.

                Nataasan nito ang nakaraang rekord na itinala noong 1998 nang may ilang daang bahagi ng isang antas-Celsius. Ang kamukhang pagtaya na ginawa ng World Meteorogical Organization at ng UK Climate Research Unit ang nagpasiya na nag 2005 ay ikalwa lamang sa pinakamaliit na taon matapos ang 1998. May mahabang perspektiba ang masusumpungan mula sa maraming proxy (di tuwiran) records nang nakaraang milenyo. Pinakamalinaw na pagtatala ng nakaraang 50 taon na nag-uulat ng pagbabago sa klima nitong kamakailan dahil napakadetalye ang mga datos. Ang sukat sa temperature mula sa mga satellite ng tropospera ay sinimulan noong 1979.

                Depende sa panahong tinitingnan, may ilang rekord ng temperature ang masusumpungan. Kuha ito sa iba’t ibang makukuhan impormasyon, iba’t ibang antas ng katamaan at reliabilidad. Ang rekord sa pangmundong instrumento sa temperature ay sinasabing nagsimula noong mga 1860; nang sinasabing ang kontaminasyon mula sa init ng mga lungsod ay maliit pa.

                Ayon sa isang pag-aaral na ginawa noong 2004, kanilang tinantsa na 18% hanggang 35% sa isang halimbawa nang 1, 103 na mga hayop at halaman ay mawawala (extinct) sa taong 2050 kung kukuhain ang kasalukuyang tantsa ng temperatura.


Mga Kadahilanan

                Ang klima ay pagtago-tago sa pamamagitan ng mga prosesong “panloob” gayundin sa tugon sa pabago-bagong panlabas na puwersang gawa at di-gawa ng tao kasama ang pagkilos ng araw, pagputok ng mga bulkan, at ng greenhouse gases. Tanggap ng maraming klimatologo na kamakailan lamang uminit ang mundo ngunit ang sanhi ng pagbabagong ito ay kontrobersyal lalo na sa labas ng komunidad ng mga siyentipiko.

                Ang pagdaragdag ng carbon dioxide (CO2) o methane (CH4) sa himpapawid ng mundo nang walang ibang pagbabago ay makapagpapainit sa balat ng ating planeta. Lumilikha ang nga greenhouse gases ng likas na greenhouse effect na kung wala nito tinatayang ang temperatura sa mundo ay magiging 30 0C at hindi na matitirahan. Kaya sinasabing hindi tama na may debate sa pagitan ng “naniniwala” at “laban” sa hinuhang pagdaragdag ng carbon dioxide o CH4 sa himpapawid ng mundo ay magbubunga ng mainit na temperature sa balat ng lupa kung walang magpapabuti ng epekto nito. Ang debate ay tungkol sa epekto ng pagdaragdag pa ng carbon dioxide at CH4 sa himpapawid.

                Sinasabing ang kasalukuyang klima ng mundo ay wala sa kapanatagan (ekilibrio) kasama ang pagpuwersang dulot ng pagtaas ng mga greenhouse gases dahil sa inersyang termal ng mga karagatan at mabagal na pagtugon ng ibang di tuwirang mga epekto. Ang mga masusing pag-aaral sa klima ay nagpapakita na iinit pa rin ito ng 0.5 0C to 1.0 0C kahit mapanatag ang mga greenhouse gases.

                Ang mga greenhouse gases ay lagos-lagusan ng short wave radiation (maiksing ondang radyasyon) na mula sa araw. Subalit, sinisipsip nito ang ilang mahahabang onda ng radyasyong infra-red mula sa lupa na lubhang nagpapahirap sa mundo na mapalamig ito.

                Tinatayang tumaas ng 31% at 149% ang konsentrayong panghimpapawid ng carbon dioxide at methane kumpara sa antas bago nagging industriyal ang mundo noong 1750. Sinasabing mas mataas ito kaysa alinmang panahon nitong huling 650,000 taon, kung may matibay na ebidensya mula sa mga ice cores (sample na yelo na kinuha ng pabarena). Mula sa hindi tuwirang ebidensyang heolohika, pinaniniwalaang ang ganitong kataas na dami ng carbon dioxide ay nangyari 40 milyong taon ang nakaraan. Ang tatlo sa apat na bahagi ng mga emisyong dulot ng tao (antropoheniko) ng carbon dioxide sa himpapawid nitong nakaraang 20 taon ay dulot ng pagsunog ng mga produktong petrolyong (fossil fuel). Ang tira ay pinangungunahan ng pagbabago sa paggamit ng lupa lalo nan g pagpanot ng kagubatan.

                Ang pinakamahabang pagsukat instrumental ng ratio ng paghahalo ng carbon dioxide sa himpapawid ay nagsimula noong 1958 sa Maua Loa, Hawaii. Mula noon, ang katamtamang (average) taunang halaga nito ay tumaas mula 315 ppmv na ipinakikita ng Keeling Curve. Ang konsentrasyon ay umabot ng 376 ppmv noong 2003. Ang Timoging Polo (South Pole) ay nagpakita rin ng kamukhang pagtaas. Ang buwanang pagsukat ay nagpapakita ng maliit na panapanahong osilasyon. Ang methane (metano) ay gawang biyolohika at emisyon mula sa mga tubo ng petrolyong gas. Ang ilang biyolihikang pinanggagalingan ay natural tulad ng anay at ang iba ay dulot ng aktibidad ng tao tulad ng pagsasaka, e.g. palayang bukid. Sinasabi ng ebidensya na nasumpungan kamakailan lamang na ang mga kagubatan ay maaaring pinanggagalingan din nito (RC; BBC). Tandaan na ito ay kontribusyon sa natural (likas) na greenhouse effect at hindi greenhouse effect na dulot ng tao (Ealert).

                Inaasahang patuloy ang pagtaas ng carbon dioxide dahil sa patuloy na paggamit ng mga produktong petrolyo. Ang direksyon nito ay hindi segurado at depende sa lagay ekonomiko, panlipunan, teknolohikal at natural na pag-unlad ng tao. Ang espesyal ng report sa emisyon ng IPCC ay nagpapakita ng malawak na pagtaas ng carbon dioxide sa hinaharap mula 541 hanggang 970 parts per million (bahagi ng iang milyon) pagdating ng 2100.

                Sa buong mundo, ang karamihan ng emisyon ng greenhouse gas na dulot ng tao ay mula sa pagsunog ng petrolyong langis. Ang tira ay sinasabing mula sa mga “puganteng petrolyo” (petrolyong singaw sa produksyon at pag-uusad ng produktong petrolyon), emisyon ng mga prosesong industriyal (di kasama ang pagsunog ng petrolyo), at ng sakahan: magkakahiwalay nagdulot sila ng 5.8%, 5.2% at 3.3% noong 1990. Malawak na maikukumpara ang kasalukuyang datos rito. Halos 17% ng singaw ay dulot ng pagsunog ng petrolyo sa paggawa ng koryente. Isang maliit na porsyento ng singaw ang dulot ng kalikasan at biyolohikang dulot ng tao na kung saan halos 6.3% ay methane at nitrous oxide na galing sa sakahan.

                Ang positibong ganting epekto tulad ng inaasahang pagsingaw ng halos ng 70,000 milyong tonelada ng methane mula sa permafrost peat bogs sa Siberia, na nagsimula nang matunaw dahil sa pagtaas ng temperature ay maaaring magdulot ng malaking dagdag na pagkukunan ng singaw ng greenhouse gas. Tandaan na ang emisyong dulot ng tao ng iba pang lasong pampaligid – bantog dito ang aerosol ng sulfate (sulfato) – ay may pampalamig na epekto. Maaring nagpapakita ito sa papatag/palamig na nakita sa tala ng temperatura sa gitna ng siglo 20 na maari ring dulot ng pagtitimping dulot ng kalikasan.

Mga Hulang Magiging Dulot

                Marami at iba-iba ang hulang magiging dulot ng pag-init ng mundo sa kapaligiran at sa buhay ng tao. Kasama rito ang pagtaas ng katamtamang pantay laot, dulot sa sakahan, paghupa ng ozone layer, pagtindi at pagdalas ng mga matitinding klima (extreme weather events), at pagkalat ng sakit. Sa ilang kaso, ang epekto ay maaaring naririto na ngunit imposibleng ituro ang ugat nito sa isang tiyak na likas na kababalaghan na sanhi sa pag-init ng mundo. Isa rito na pinagdedebatihan ay ang relasyon sa pagitan ng pag-init ng mundo sa mga bagyo. Apat na dokumento na nagsasangkot sa pagtindi ng bagyo sa pagbabago ng klima ang nagpapatunay na ang dalawa ay magkaakibat. Isang draft na ulat ng WMO ang tumatanggap sa magkakaibang opinion rito.

                Paksa ng mainit na kontroberisya ang lawak at katunayan na mga mangyayari. Ang listahan ng mg aposibleng epekto at pag-unawa ay matatagpuan sa report ng IPCC Working Group II. Ilang siyentipiko ang naniniwala na ang pag-init ng mundo ay magdudulot ng kamatayan at sakit sa mundo mula sa pagbaha, pagkasira ng paligid, lubhang init at iba pang matinding mga pagbabago sa panahon (Reuters, February 9, 2006; archived).

Epekto sa Sistema ng Paligid

                Ang sekondaryong ebidensya ng pag-init ng mundo tulad ng mag-unti ng niyebe (snow), pagtaas ng pantay laot, pagbabago ng panahon ay nagpapakita kahihinatnan na aapekto sa galaw ng tao gayundin sa sistema n gating kapaligiran. Nag pag-init ng mundo ay nangangahulugan ng pagbabago sa ating paligid. May ilang halaman at hayop ang mapipilitang lumikas sa kanilang likas ng tahanan o kaya’y maglaho dahil sa pagbabagong nangyayari. Ang ibang may buhay naman ay maaaring dumami.

                Ang pag-init ng mundo ay nagbubunga ng negatibong balance sa glacier mass (bulto ng bubunduking yelo) na nagdudulot sa pag-urong ng glacier sa buong mundo. Ipinakikita ni Oerlemans (2005) na may netong pagbaba sa 142 na 144 bundok na may glacier na may record mula 1900 hanggang 1980. Mula noong 1980, tumindi ang pag-urong ng glacier sa mundo. Gayundin, ipinakita nina Dyurgerov and Meier (2005) sa pamamagitan ng glacier data sa malakihang rehiyon (e.g. Europa) na may netong pagbaba mula 1960 hanggang 2002 kahit na ang ilang local sa rehiyon (e.g. Scandinavia) ay nagpakita ng pagtaas. Ang ilang glacier na nassa disekilibryo sa kasalukuyang klima ay nawala na at tinataya na ang patuloy na pagtaas sa temperature ay magdudulot sa patuloy na pag-urong ng karamihan ng mga alpinong glacier sa buong mundo. Mahigit sa 90% ng mga glacier na inereport sa World Glacier Monitoring Service ay umurong na mula 1995. Ang isang kabaha-bahaka ay ang potensyal na paghinto ng tunaw ng yelo (tubig daloy) ng Hindu Kush at Himalaya. Ang tunaw ng mga glacier nito ay nagdudulot ng malaki at maasahang mapagkukunan ng tubig para sa Tsina, India at halos buong Asya. Ito ang pangunahing mapagkukunan rin ng tubig sa panahon ng tag-araw. Ang pagbilis ng pagkatunaw nito ay magdudulot ng malakas ng pagdaloy ng tubig sa maraming dekada at pagkatapos nito “ang ilang lugar na may pinakamaraming tao sa mundo” ay tinatayang “mauubusan ng tubig” (T. P. Barnett, J. C. Adam and D. P. Lettenmaier, 2005).

Pagkalat ng Sakit

                Maaaring magpalaganap ang oag-init ng mundo sa mga hayop at kulisap ng nagdadala ng mga nakahahawang sakit tulad ng malarya, dilang asul na sakit mula ng mga kuto ng alagang daga na kamakailan ay kumalat sa rehiyon ng timog Mediterreno. Tumaas sa malawak na lugar sa Rusya ang imperksyon mula sa hantavirus, Crimean-Congo hemorrhagic fever, tularemia at rabies nitong 2004-2005. Maisisi ito sa mabilis ng pagdami ng mga daga at hayop na kumakain nito gayundin ang pagbagsak o pagbaba sa program sa bakuna at pagkontrol sa mga daga. Kahit na nawala ang malarya sa mga templadong rehiyon sa mundo, ang mga lamok na nagkakalat nito ay hindi napuksa at nananatili sa ilang lugar. Kaya, kahit na mahalaga ang temperature sa daynamiks ng pagkalat ng malarya, maraming bagay ang kasangkot sa pagkalat nito.

Epektong Pang-ekonomiko

                Nagpalabas ang mga institusyong pinansyal kasama ang dalawang pinakamalaking kompanya ng seguro sa mundo, ang Munich Re at Swiss Re, sa isang pag-aaral noong 2004 (UNEP summary) na “ang madalas na pagdalas ng mga malubhang pangyayaring pangkalikasan kaakibat ang takbong panlipunan” ay gugugol ng halos 150 bilyong dolyar bawat taon sa susunod na dekada. Ang mga guguling ito sa pamamagitan ng pagtaas ng halaga sa siguro at pagtulong sa mga disaster ay mapapabigat sa mga kliyente, mambubuwis at industriya.

                Ayon sa Association of British Insurers, ang pag-iwas sa pagpapaimbulog ng karbon sa himpapawid ay makakaiiwas ng 80% ng tinatayang dagdag na gastosin mula sa mga bagyo hanggang mga taong 2080. Ayong kay Choi at Fisher (2003) ang bawat pagtaas ng 1% sa taunang ulan ay magpapalaki sa halaga ng katastrope ng halos 2.8%.

                Ipinalabas kamakailan ng United Nations’ Environmental Program na ang mga grabeng panahon sa mundo ay nag-ulat na ang 2005 ang pinakamagastos  na taon sa kasaysayan kahit na walang paraan upang patunayan na [ang isang bagyo] ay sanhi o di sanhi ng pag-init ng mundo. Unang taya na ipinakita ng pundasyong Aleman sa segurong Munich Re ay nagpapakita na mahigit 200 bilyong dolyar na ang talon g mga nakasiguro na halos 70 bilyong dolyar.

Mga Sagot

                Ang ligalig na posibleng idudulot ng pag-init ng mundo ay ang pagtatangkang maibsan ang pag-init ng mundo na sumasaklaw sa mga aksyon upang pababain ang negatibong epekto o malamang na pangyayari ng pag-init ng mundo.

May apat na kategorya ng hakbangin upang maibsan ng pag-init ng mundo:

1.       Pagbabawas sa paggamit ng enerhiya (konserbasyon)
2.       Pag-iwas sa paggamit ng petrolyong parikit (fossil fuel) na batay sa karbon at paggamit ng ibang mapagkukunan ng alternatibong enerhiya.
3.       Pagsilo at pagtatago ng karbon.
4.       Pagpapababa sa paggamit ng enerhiya (pagtitipid)

Ang sumusunod ay mga hakbangin upang maiwasan ang pag-init ng mundo: pag-unlad ng mga bagong teknolohiya, lakas ng hangin, lakas nukleyar, lakas ng araw, baguhing enerhiya, biyodiesel, sasakyang de koryente o hybrid, fuel cells, pagtitipid sa enerhiya, buwis sa karbon, pagpapabuti sa natural na pagtatago ng carbon dioxide, at ang paghuli at pagtatago ng carbon.

Pinagkukunan: http://tl.wikipedia.org/wiki/Pag-init_ng_daigdig: Hulyo 22,2010

No comments: